NINO SORIA DE VEYRA

Nagtataka si Nina, Nagtatanong si Nina

4/2/2010

0 Comments

 
Picture
Marcy Dans Lee, my colleague at school, came up with a children's book on Filipino values. She was commissioned by Unionbank to do the book for its CSR project. The children's book came out several years ago, and has been reprinted several times.

Unionbank also came out with a Student's Workbook, distributed to schoolchildren in several schools around the country. In its third edition, the workbook includes a poem entitled "Nina Wonders, Nina Asks," written by Marcy Dans Lee. My translation of the poem, "Nagtataka si Nina, Nagtatanong si Nina," appears in this edition:

Picture
Nagtataka si Nina, Nagtatanong si Nina
salin ni Nino Soria de Veyra

Ngayong papasok na sa paaralan
At karunungan ay madaragdagan,
Niyapos ni Nina, hinagkan ni Nina
Ang pinakamamahal niyang ina at ama
Dahil siya ay mangungulila
Sa kanilang tunay na pagkalinga.

Pero si Nina ay nagtataka, si Nina ay nagtatanong
Ang pagmamahal ba ay gagawing walang hanggan ng Poon?

Naglalakad si Nina sa may bangketa
Ang bawat hakbang sinasalubong ng basura – 
Papel, babol gam, pambalot ng kendi – 
Kung saan-saan tinapon sa pag-aapura
Ngayon ay nagkalat na sa kalsada
Kahit may mga basurahan para sa tira-tira.

Kaya si Nina ay nagtataka, si Nina ay nagtatanong
'Di ba madaling gawin ang basura ay tamang itapon?

Sa himpilan ng jeepney si Nina dumating,
Sa kapal ng usok siya ay napabahin. (Hatsing!)
Nagsisiksikan na mga pasahero, walang puwestong makita,
Hindi ba nila nababasa nakapaskil na mga paunawa?
Pakiwari niya ay nakakatakot at nakakalungkot
Makita ang mga taong sumusungit at sumisimangot.

Kaya si Nina ay nagtataka, si Nina ay nagtatanong
Kailangan ba palaging magmadali sa habang panahon?

Pagdating niya sa paaralan, ang bagong kamag-aral nakita,
Tinutukso at sinisindak ng mga manlolokong kaiskuwela.
Nalulumbay ang bata, nawalan ng pag-asa.
Sa wari ni Nina, hindi makatarungan kanyang pagdurusa.
Agad-agad inakay ni Nina ang bata papalayo
Sa kapahamakan at siguradong gulo.

Kaya si Nina ay nagtataka, si Nina ay nagtatanong
Sinong walang sala sa ibang tao ay humukom?

Sa pagsusulit sa Matematika sa araw na iyon,
Nagdamdam si Nina sa kanyang paglingon,
Kaliwa't kanan nagkokopyahan,
Mga kaiskuwela ay sinusuway ang kautusan,
Pinagpatuloy ang masamang gawain
Nang ibaling ng guro ang kanyang pansin.

Kaya si Nina ay nagtataka, si Nina ay nagtatanong
Itong pandaraya ba ay palalampasin ng Panginoon?

At sa oras ng rises, sa kalembang ng kampana,
Mga bata ay humiyaw, ang galak ipinagkakanta.
Si Nina ay natuwa sa masayang nakita,
Hanay ng mga batang tapat na pumipila,
Ang pinakahuli sa dulo pumupunta,
Matiyagang naghihintay makabili ng miryenda.

Si Nina ay nagtataka, si Nina ay nagtatanong
'Di ba ganitong mga tagpo ang hanap sa bawat panahon?

Tapos na ang laro at wala ng klase,
Kaya si Nina sa bahay tuwirang umuwi,
At ang pinakamamahal niyang ina at ama
Agad niyapos ni Nina, agad hinagkan ni Nina
Dahil buong araw siya ay nangulila
Sa kanilang tunay na pagkalinga.

Kaya si Nina ay umaasa, si Nina ay nagdarasal
Na mapabubuti ang bawat araw sa ating tamang asal.

0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

Photo used under Creative Commons from Sneha radhakrishnan